Wednesday, March 24, 2010

KAIC, THE unpopular

Kaic, well sino ba ang nakakalam nun. Kahit ang mga estudyante sa engineering ay kalimitang di alam kung bakit kailangan ito. KILOAMPERE INTERRUPTING CAPACITY -- ang hirap naman idefine. Hahay.. Kung mapapansin mo, ang protective devices na karamihan makikita sa mga electrical plans at mga drawing ay merong continuous current rating, (ang karaniwang power consumption ng load habang ginagamit ang kuryente). Pero ang KAIC, well, paminsan-minsan lang, at hindi masyadong napapansin. Ang KAIC ngayon ang most taken-for-granted components in system designing.
Ganito kasi yun, ang ang nga circuit breaker ay meron tatlong mahahalagang components. Ang contiunous current rating, ang voltage rating at ang pangatlo ay ang interrupting capacity rating. Ang KAIC na ito ang maximum tolerable amount ng current sa twing magtritrip ang circuit breaker NANG HINDI NASISIRA.
Depende sa load ang KAIC. Halimbawa, pag sa mga lighting lang o sa mga residen
tial lang na mga load, karaniwang umaabot sa 7-10 KAIC. Pero pag mero nang mga industrial na ginagamitan ng mga motor, 15 KAIC o pataas na ang kinakailangan nito. Ang mga circuit breaker, aside sa continuous current na dapat bigyang pansin, ay kailangan din tingnan ang KAIC para di ito
madaling masira pagdating ng araw.


Pwedeng masabi na ang KAIC ay aftershock component. Pag hindi nakayanan ng breaker ang faul currrent, pwede ding itong madisintegrate. Kung ang CIRCUIT BREAKER ay nadoon para protektahan ang ating mga linya ng kuryente, kailangan din nitong maprotektahan ang mismong SARILI nya.

(Medium voltage circuit breaker na undersized sa KAIC. Nagkaroon lang ng fault ay sumabog ang breaker at nasunog)







Ang reaksyon ko dyan? Nasa ilalim na picture po..

No comments:

Post a Comment

FYI's =)