Due to spare time, nakapagtranslate ako ng isang tula. (hehe)
Two roads diverged in a yellow wood,
Dalawang daang naghiwalay sa may kakahuyan
And sorry I could not travel both
Ako’y nanghihinayang dahil dapat pamilian
And be one traveler, long I stood
Sa paglalakbay, matagal akong nakatayo’t nakatanaw
And looked down one as far as I could
Napatingin sa pinakamalayo ng unang daan
To where it bent in the undergrowth;
Di ko maaninag nang husto ang sa dulo’y nakaliko
Then took the other, as just as fair,
Kagyat kong pinili ngayon itong pangalawa
And having perhaps the better claim,
Dahil siguro mas makabubuting landasin kesa sa isa
Because it was grassy and wanted wear;
Ito’y madamo at wari ko’y sobrang napaglumaan na
Though as for that the passing there
Subalit sa pagpili sa daang magkasanga
Had worn them really about the same,
Mapagtatantong sila’y magkahawig din pala
And both that morning equally lay
O, sa umagang yun sila ay parehong
In leaves no step had trodden black.
Walang bakas ni isang pares ng paa!
Oh, I kept the first for another day!
Sabi ko, “bukas ko na lang tingnan yung una”
Yet knowing how way leads on to way
Kahit alam kong sa paglalakbay na ito
I doubted if I should ever come back.
Mahirap nang bumalik pa sa umpisa
I shall be telling this with a sigh
Balang araw mapagtatanto ko rin nang may buntong hininga
Somewhere ages and ages hence:
Minsan nakaraan na ang ilang taon
Two roads diverged in a wood, and I-
May dalawang kalsada akong pinamilian
I took the one less traveled by,
Aking tinahak ang di masyadong napupuntahan
And that has made all the difference.
At malaking pagbabago na mula doon. ;)
Saturday, July 23, 2011
Wednesday, July 20, 2011
MAINIT na LINYA
Pano pag ang isang linya ay MAS MAINIT kesa sa iba??
1) Una tingnan muna kung unbalanced ang circuit. Isa isang tingnan ang amperaha at kung mas mataas ito kesa sa iba.
2) Tingnan kung MALUWAG ang terminal. Pag maluwag kasi ang dinadaluyan ng kuryente, chances are, exposed ang wire, may tendency magleak ang current, kakalat ito, hindi masyadong nakokontrol ang circuit at mas iinit ang wire.
3) Idouble check baka me sunog na part. Sakaling naputulan na ang kable dati pa, nung nasunog ito, siguraduhing LAHAT NG SUNOG ay wala na dun. Kahit gaano kaunti ng sunog pag naroon pa rin sa circuit, maaaring magdulot pa rin ito ng problema.
Note: pag me sunog na area sa kable, di nakakadaloy nang maayos ang kuryente, nagtatambak (natratrapik?) sa isang lugar kaya umiinit. Katagalan, ang kaunting sunog ay lalaki nang lalaki hanggang sa bumigay ang kable. Lalo pa kung ito ay nasa dulo, masusunog ang terminal sa breaker. =)

Trouble? Maghanap ba?
Karaniwang electrical problems: faulty wiring, maraming appliances sa isang circuit, sirang switch at receptacles, defective electrical cords, etc. Ang short circuit ay nagyayari lamang pag ang hot wire ay natama sa neutral o sa ground wire. Ang extrang current na dumadaan sa conductors ay magpapatrip sa breaker.
Note: I-off ang breaker at RESET. Heto ang limang kondisyon na dapat tingnan sa pagtrtroubleshoot ng electrical fault.
1) PAG NAGTRIP KAAGAD ang breaker ==> ang switch o receptacle ay shorted
2) PAG HINDI NAGTRIP ANG BREAKER AGAD ==> iturn off lahat ng appliances o load, o switches at isa isang pagananahin.
3)PAG NAGTURN ON NG ISANG SWITCH AT NAGTRIP ANG BREAKER ==> merong short circuit sa fixture o receptacle na kinokontrol ng switch
4) PAG HINDI GUMANA ANG CIRCUIT PAGKATAPOS IPLUG ANG APPLIANCE ==> ang problema ay nasa electrical cord ng appliance
5) PAG HINDI GUMANA ANG CIRCUIT PAGKATAPOS I-TURN ON ANG APPLIANCE ==> ang appliance mismo ang depektibo

Subscribe to:
Posts (Atom)