Air Circuit Breakers: These are used to interrupt circuits while current flows through them. Nosebleed?
Ganito yun, ang ACB ay proteksyon sa isang machine bago pa man ito masira.
Main functions ng ACB:
1) Open and close a 3 phase circuit, mapamanual man o automatic
2) Pinuputol kaagad ang circuit pag may under or over voltage, under or over frequency, short circuit, reverse power, earth fault etc.
3) Binabawasan nito yung arcing property pag may overloading (arcing means tuloy tuloy na pagdischarge ng current
Alternating current. AC : Eelctric current na pabalik balik ang direksyo; usually 50 or 60 cycles per second or 50//60 Hz. (Japan and other Asian countris: 50 Hz; Philippines and USA: 60 Hz)
Batteries: Backup para sa control system in case may blackout
Capacitance and Capacitor:
Capacitance: ability ng isang object to store electricity.
Capacitor : Consist of two electrical conductors (things that let electricity flow through them) with an insulator to separate them (a material that doesn't let electricity flow very well). Ito'y parang isang battery din. Ang kaibahan nga lang, ang naipong electrical energy sa battery sa dahan dahang nairerelease sa isang circuit, samantalang sa isang capacitor, ang naipong energy ay madaling mawala sa isang segundo lang, o mas mabilis pa.
Capacitor Bank: Grupo ng carapitors para makontrol ang boltahe na sinusupply para sa mga electrical consumers galing sa substations. Parallel connected capacitors provide increased capacitance at syempre, increased stored electrical energy. Nagpapataas din ito ng POWER FACTOR.
Conductivity:kakayanin ng isang materyal na magconduct ng isang electrical current, self - explanatory, hehehe
Conduits: Pwedeng rigid metal or plastic, proteksyon ng wiring sa isang circuit;
Control Panels: Utak ng isang system. Sa power transmission, andun ang metro, control switches at recorders.
Dielectric: Pag ang isang dielectric ay nasa isang circuit, electric charges do not flow through the material as they do in a conductor, so parang nasstock lang sila dun, thus getting the term "capacitance", tama ba..?
Hanggang dito na lang muna..
ELECTRA 101
Kung gaano kamisteryoso ang kuryente sa tin, ganun din dapat mas kilalanin natin ito...
Tuesday, January 28, 2014
Saturday, October 5, 2013
Young Engineers in the Real World, Tsk tsk

Someone asked me, "What's your passion?" I replied with a question, "What does passion mean?"
Well, it's not that hindi ko alam, ayaw ko lang syang sagutin. Now, it has already been more than 6 years since I graduated but after those years, I am now unsure what exactly I want to be. Reality bites, I have my own share of
experiences, that may have triggered me to lie low in engineering industry.
I have always been hungry for inspiration and advice, being a woman in technical field. It seems that I always wanted
to find myself in something where I would fit perfectly like a piece of a puzzle. But in everything I do, I always put my heart into it. It just that there are some things that engineering jobs here in the Philippines that needs to be fixed, mga bagay bagay na kulang sa pansin para sa akin.
First and foremost, it is never easy to pass a licensure exam, since it is actually one of the greatest challenges na kakaharapin ng mga graduate sa EE. Andun yung puyatan, sunogan ng kilay at tadtad ng formula na mga notebook habang nag-aaral. Just to get a license, kailangan mong magreview at magbayad para sa exam mismo. Yung ibang pumapasok sa review center, kulang kulang 25,000 gagastusin lalo na pag galing pa probinsya at luluwas lang ng maynila para dito.. Yung ibang magagaling na talaga, pwedeng self-study pa din pero kaakibat na didikasyon ang kailangang ibigay maisaulo lamang ang napakaraming dapat pag-aralan sa Math, Engineering Sciences at sa Electrical. And after being able to pass, halos magtatalon sa tuwa dahil sa wakas, medyo madali na mag-apply ng trabaho.
But then again, parang goldfish na pinakawalan sa dagat, sobrang lawak ng mundo na pwede suungin, dapat alamin pa din kung saan ang dapat puntahan kundi maliligaw at maliligaw ang isang batang enhinyero.
Ang akala ng iba, pag engineer ka, astig sa trabaho, astig sa kita. Pero ang totoo nyan, karamihan sa atin, nagkukumahog pa din patunayan ang sarili sa kakarampot na binibigay ng mga employer. Well, sa isang fresh grad, kahit na may license, ang average na bayad ay 12,000-14,000. Swerte na pag nabigyan kaw ng kita na PhP15,000 pataas. Andun ang challenges na dapat pagdaanan. Ika nga, dapat maging "wise beyond our years". Sa mga batang engineers, andun yung "fresh enrgy" at "new perspectives", excitement at pag-asa, at expectations. An engineering position, is a "NO TO PETIX MODE" and "NO TO HAPPY-GO-LUCKY lifestyle", especially pag nagsisimula ka palng. It will always be a challenge na maging seryoso sa trabaho at mag-enjoy pag day-off. I don't mean na dapat maging seryoso masyado, yung tipong alang ngitian, pero pag ikaw ay bago pa lang, at marami pang dapat matutunan, it seems that age is a filtering system, lalo na sa mga pinoy. There will always be subordinates na may mga edad na, may pamilya, maraming karanasan sa buhay na magtratrabaho as your subordinates. Don't make quick decisions, dapat pag-aralan lahat ng gagawin. It's not wrong na tanungin an ibang mas may alam kung di kaw sigurado, but you also have to make a stand na kaya mong magdesisyon base sa sariling pananaw, dahil in the first place, hindi kaw nilagay sa posisyon na yan nang walang dahilan. Also, young engineers tend to be respectful. It's easy to ask older electricians by requests or compliments, but you have to keep it in a way na you'll gain respect. Andun yung responsibility at accountability sa bawat projects or specific task na gagawin o ipapagawa mo.
Karaniwang makikita sa mga jobfairs, engineers na naghahanap ng trabaho sa ibang bansa. Bakit kaya? Well, tempting magwork sa ibang bansa, makakapag-ipon kaagad at in a way, karangalan din para sa pamilya mo na nagsakripisyo kaw at makakatulong sa kanila. But what makes many of our brothers, as well sa sa mga kapatid na babae na din, ang magdesisyon mag-abroad? Maraming dahilan - pangit na pamamalakad ng mga employer, alang asenso, mabigat na trabaho at responsabilidad, o pwede ding ala masyadong oppurtunity para sa trabaho dito sa pinas.
Dalawa ang pinaka-karaniwan na pwede maging trabaho.
1) Building Maintenance - nakasalalay sa kanila ang kaligtasan at tuloy tuloy na operasyon sa isang building, katulad ng airconditioning, lighting, paging, security, etc. Sila yung mga tipong kailangang pumasok parati lalo na pag may bagyo at baha, habang ang karamihan ay nasa bahay lang kasi delikado - pero sa kahit na anong sipag, sa overtime lalo na sa dedikasyon sa trabaho pag may mga emergency, ang ganitong trabaho ay karaniwang maliliit pa din ang sahod. May nakikilala nga ako, 10 years nang supervisor, pero PhP20,000 lang ang basic salary. Madaling sabihin na depende sa tao yun at kompanyang papasukin, pero ang mga empleyado sa maintenance, kahit sabihin pang long term sa trabaho, may ceiling parati sa kita.
2) Construction - walang humpay na habol sa deadlines sa mga projects. Iba-iba ang pwede puntahan sa ganitong klaseng environment, andun yung implementing engineer or project in charge, pwede ding QA, or design engineer, pweding sa sales. Pero sa lahat ng engineering field, ito ang pinakatoxic sa pananaw ko. Andito yung tipong mag-oovernight o tuloy tuloy na trabaho sa magkakasunod na araw para lang sa isang project. Pero ang ganitong tipo ay may kaakibat na kalaban, kailangang siguraduhing ligtas ang paligid at tama ang ginagawa. Swerte ang isang engineer na mapasok sa isang construction company na tama magpasweldo. Kumikita kasi ang isang kompanya sa productivity ng mga tao, dahil ang mga kontraktor ay karaniwang gumagastos muna nang malaki bago makuha ang bayad para sa isang project. Dito sa pinas, naglipana ang gulangan sa mundo ng construction, politika at diskarte para mas kumita nang malaki kahit di masyado magtrabaho, swerta na lang pag di balahura ang employer mo at may pakialam sa tao. Karaniwan sa mga ganito, maliliit ang sahod, sobra sobra sa OT at minsan, ala pang SSS, philhealth, pag-ibig, etc!!
Well, haay naku, hirap naman pala maging engineer. Hirap na nga maghanap ng trabaho, MAS MAHIRAP PA MAGHANAP NG TRABAHO NA MATINO.

Tuesday, January 15, 2013
Welcome to Wherever You Are (Translation) by Bon Jovi
I have never liked the type of music bon jovi plays when I was a child.. but yesterday, Jan. 15, 2013, I happened to listen one of his songs and found it very real and meaningful. :)
Maybe we're different, but we're still the same
Siguro nga magkaiba pero pareho pa din tayo
We all got the blood of Eden, running through our veins
Nananalaytay sa ugat natin ang dugo ng Eden
I know sometimes it's hard for you to see
Lam kong mahirap para sa yo mapagtanto
You come between just who you are and who you wanna be
Ika’y nalilito sa kung sino ka at ano ang gusto mo
If you feel alone, and lost and need a friend
Kung pakiramdam mo’y ikaw ay nag-iisa at kailangan ng kasama
Remember every new beginning, is some beginning's end
Tandaan lang na ang lahat ng pagsisimula ay pagtatapos ng isa..
Welcome to wherever you are
Tuloy ka lang sa kung saan ka ngayon
This is your life, you made it this far
Buhay mo yan, layo na din ng iyong napuntahan
Welcome, you gotta believe
Tuloy ka, manalig ka lang
That right here right now, you're exactly where you're supposed to be
Karapatdapat namang andito ka
Welcome, to wherever you are
Tuloy lang, tuloy ka.
When everybody's in, and you're left out
Kung ikaw ma’y minsan napag-iiwanan
And you feel your drowning, in a shadow of a doubt
At pakiramdam mo’y nalulunod ka sa walang kasiguraduhan
Everyones a miracle in their own way
Lahat tayo’y may mahika sa kanya-kanyang paraan
Just listen to yourself, not what other people say
Wag makinig sa iba, sarili’y paniwalaan.
When it seems you're lost, alone and feeling down
Kung ikaw man ay nawawala, nalulungkot at nag-iisa
Remember everybody's different
Tandaan mong lahat tayo’y iba-iba
Just take a look around
Tumingin ka lang, kaibigan
Be who you want to, be who you are
Magpakatotoo ka, at sa gusto mong maging
Everyones a hero, everyones a star
Lahat tayo’y bayani, lahat tayo’y bituin
When you wanna give up, and your hearts about to break
At kapag gusto mo nang sumuko at nasaktan ang iyong puso
Remember that you're perfect, God makes no mistakes
Ang Dyos na gumawa ay laging tama.. tayo’y perpekto.

Monday, August 20, 2012
Starting A Career in Engineering
Pagkatapos ng college, 95% sa mga estudyante ay idealistic.
Lahat ang dami gusto gawin, dapat ganito, dapat ganun, lahat kaya baguhin, lahat kaya subukan, lahat pwede.
Ang taas ng tingin sa sarili ng mga bagong graduates lalo na't super excited sa totoong mundo, sa labas ng eskwelahan. Well, ano nga ba ang aasahan ng mga bagong electrical engineers na kakagraduate lang?
1. CONSULTATION, investigation, valuation and management of services na nangangailangan ng engineering knowledge
2. DESIGNING at paghahanda ng mga plano, sa mga transformers, switchgears, electrical wiring ng mga building, electrical machines at iba pa
3.Supervision of erection, INSTALLATION, TESTING AND COMMISIONING of power plans, substation, transmission lines, industrial plans and others;
4.Supervision sa OPERATION AT MAINTENANCE ng electrical equipments in power plants, industrial plants, etc.
5. Supervisions on the MANUFACTURE AND REPAIR of electrical equipment kasama ang mga switchboards, transformers, generators, motors, apparatus and others;
6. TEACHING of electrical engineering subjects
7. SALES and DISTRIBUTION of electrical equipment and systems requiring engineering calculations or applications of engineering data.

Monday, September 19, 2011
Solar powered building, kasama and wind energy

To quote Philippine Star (dated May 3, 2011), " ___'s most recent green initiative is the utilization of a solar-powered air-conditioning system". One of today’s fast-growing green trends, solar-powered air-conditioning systems merge economics, advanced technology, and ecology, and harness heat from the sun, a clean, consistent, and safe power source
Ang ginamit ==> Hybrid solar and wind electric system.
Paano it gumagana?
Obviously, ang solar panels ay gumagana sa gabi, pero dito naman pumapalo ang hangin. O kung tirik na tirik ang araw at wala maxado ang hangin, may mapagkukunan pa rin tayo ng enerhiya.
Dito sa Pilipinas, ang hangin ay malakas tuwing tag-ulan habang hindi masyado ang araw, samantalang mahina it sa tag-init habgang malakas ang araw. Sa ganitong paraan, ang kombinasyon ng wind-generated at solar-generated system ay isa sa pinakamagandang naimbento sa panahon ng makabagong teknolohiya.
Dahil sa pwede itong makapagbigay ng malakas na energy, ang sistemang ito ay magagamit sa magkakaibang panahon at sulit sa mga building owners.
Depende sa design, ang hybrid system ay pwede ikonkta sa MERALCO sakaling kailanganin ito o nakakonekta sa generator para sa back up.
Monday, August 8, 2011
HUNTING sa GENSETS
Pag ang generator engine ay maingay, mabilis na aandar, tapos babagal, yun ang tinatawag na HUNTING.
Basically, hunting refers to SPEED VARIATION as the governor, or speed controller tries to find the correct speed, kaya tinatawag na HUNTING (hunting ng speed).
Sa SYNCHRONOUS GENERATORS, nangyayari ang HUNTING bago sila masynchronized. Pag nasynchronized na sila, naawawala din ito. It's actually a phase para makakuha ng tamang tyempo ang takbo ng engine generator.

Saturday, July 30, 2011
Reverse Power
==Ang mga generators, para magsynchronize, ay kailangan magkaroon ng pareparehong FREQUENCY, VOLTAGE at tamang phasing para umandar.
SYNCHRONIZATION: pagpreprepare sa generator para madaling maikonek sa grid o supply ng kuryente sa MERALCO. Dapat mas mataas nang kaunti ang frequency ng genset. Sa ganitong paraan, madaling pagtagpuin ang setting ng kuryente galing sa generator at sa utility company at madaling makakapasok ang supply ng MERALCO.
Pero paano pag nagkakaroon ng kaunting problema sa isa sa mga gensets.
REVERSE POWER?!!? (?ghslfh?!I)
Ang reverse power ay nangyayari lamang kung ang isa sa mga genset ay nagkakaroon ng issue sa prime mover. Hindi nakakaikot nang maayos ang motor, naghahabol ng TORQUE.
Kaya ang nangyayari, napipilitang magtrip ang BREAKER.
Sa isang synchronized na genset, ang boltahe at frequency ay nakalock sa isa't isa. Sakaling may gumalaw o isa na naiba, nahihirapan ang prime mover na umikot kaya nagrereverse power.
SOLUTION:
Sa synchronizing panel, dapat iMANUAL MODE muna ang setting tapos pindutin ang (I/O), sa ganitong paraan, pwede nang MARESET ANG GENSET NANG HINDI PINAPATAY ang ENGINE MANUALLY, tapos balik ulit sa AUTO MODE. In short, sa command na lang idadaan. Ngunit, ito'y kadalasang nangyayari sa mg TEST RUN la-ang.. Pag may load na, ibang usapan na po yun, bawal na bawal magreverse power ang may load. (haruy)
Pag ACTUAL NA NAGPOWER FAILURE at nagreverse power, dapat KAAGAD mapaandar ang genset na backup instead sa isang genset na nagloloko. Kaya, maaaring iMANUAL MODE na lang.

Subscribe to:
Posts (Atom)